#Yakap
(#TheJuans)
Sa gitna ng dilim ako ay mananalangin
Sa gitna ng gulo patuloy sa 'Yo kakapit
At kahit ‘di pa maayos ang lahat ng bagay
Ipagkakatiwala sa 'Yo aking buhay
Dahil ang yakap Mo ang tanging sandigan ko
Wala nang papantay sa wagas na pag-ibig Mo
Lilipas ang lahat ngunit hindi Ka magbabago
Ang aking lakas manggagaling sa 'Yo
Sa lakas ng bagyo tahanan ko’y Salita Mo
Sa mahirap na laban pangako Mo ang sandigan
At kahit na sugatan hindi Mo pababayaan
Pagkakatiwalaan Hesus ang Iyong Pangalan
Dahil ang yakap mo ang tanging sandigan ko
Wala nang papantay sa wagas na pag-ibig mo
Lilipas ang lahat ngunit hindi ka magbabago
Ang aking lakas manggagaling sayo
Ikaw ang lakas, Ikaw ay tapat
Ikaw ay sapat, Diyos ng lahat
Hindi Mo iiwanan, hindi pababayaan
Magpawalang hanggan, Ikaw ang kalakasan
Ikaw ang lakas, Ikaw ay tapat
Ikaw ay sapat, Diyos ng lahat
Hindi Mo iiwanan, hindi pababayaan
Magpawalang hanggan, Ikaw ang kalakasan
Ikaw ang lakas, Ikaw ay tapat
Ikaw ay sapat, Diyos ng lahat
Hindi Mo iiwanan, hindi pababayaan
Magpawalang hanggan, Ikaw ang kalakasan
Dahil ang yakap mo ang tanging sandigan ko
Wala nang papantay sa wagas na pag-ibig mo
Lilipas ang lahat ngunit hindi ka magbabago
Ang aking lakas manggagaling sayo