Sukdulang Biyaya
(Musickatha)
Habang hindi karapat-dapat
Pag-ukulan ng habag
At wagas Mong pagsinta
Habang walang kakayanan
Na suklian Ka nang mabuti
Sa lahat Mong ginawa
Pre-chorus
Niyakap Mo ako sa aking karumihan
Inibig Mo ako nang 'di kayang tumbasan
Chorus
O Diyos ng katarungan at katuwiran
Kahit minsa'y 'di nabahiran
Ang kabanala't kaluwalhatian
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
O Diyos ng pag-ibig na mas malawak pa
Kaysa aking mga pagkakasala ---
Higit pa sa buhay ko
Salamat sa sukdulang biyaya Mo
No comments:
Post a Comment