ezWorship

Saturday, July 4, 2020

"Tuloy Ang Awit" Song Lyrics (Musikatha)



Tuloy Ang Awit
(Pagsambang Wagas - Musikatha)

Bumuhos ang ulan, umagos at halos malunod na
Umihip ang hangin, pinilit na ako ay itumba
Binalot ng dilim ang langit kinapos ng liwanag
Pagtitiwala ko'y hindi matitinag

Pangako Mo'y aking sandigan at biyaya Mo'y lubos
Ang bisig Mo ang kublihan hanggang matapos ang unos
Paglipas ng pagod at luha di maaring huminto 
Ang pagbukal ng pagsamba sa aking puso

Tuloy ang awit, sigaw ng aking pusong nagtagumpay
'Pagkat lakas Mo ang taglay
Tuloy ang awit, tuloy ang daloy at ito'y walang humpay
Ang ilog ng papuri ay hindi mapipigil, hindi matutuyo
Tuloy, tuloy ang awit para sa Iyo

Hindi mapipigil, hindi matutuyo
Tuloy, tuloy ang awit para sa Iyo

No comments:

Post a Comment

John 3:16

John 3:16 NIV For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but h...